letters from the past, 2nd part
i can’t burn these letters for they meant more than just memories; these are constant reminders of strength i gained all through the years, these letters are source of strength. more so, their senders…
in that obscure place, i longed for a sense of familiarity...a sense of belongingness, and these letters have never failed to slap me and made me face the harsh realities of the life i choose.
september 8, 1999
awit
minamahal kong kaibigan, kahati sa yosi, sa pagkain, kahati sa laksang mga sakaripisyo, sa masalimuot na landas ng paghuhubog ng sarili, buddy sa gawain, kadugtong ng aming bituka, puso at isipan, kasama sa pagsusulong ng ndr, hayaan mong ihatid ko ang aking mapulang pagpupugay!
kamusta,ang eksplorasyon? marahil pakat ka na ngayon, alam kong lipos ang kagalakan na nararamdaman mo sa bago mong gawain. nasa totoong buhay na tayo, bok! sa tanghalan ng drb, sa bulwagan ng mdb. kagaya dati, sa panahon ng inip, balisa, o ano pa man: relak, take it esy, cool lang, ganyan naman tayo di ba? if symptoms persist consult the collective, the comrades. sabi nga nila, hayaang pandayin tayo nito. dahil dito raw napapanday, nasusubok ang tatag-sa krisis.
ako naman ngayon, maayo, kauban, natutuwa, sa mga kadahilanang:
1. chalenging ang bago kong gawain; 2. maayos na kami ni levi;3. kahit hindi tayo nag-abot nagka-usap tayo;4.reunion natin-absent ka nga lang (hehehe)
bok, marami pa talaga tayong matututuhan na mga aralin ng reb kaya talagang napakasaya. masalimuot din, syempre ang takbo ng pag-alam, tama yung sinabi mo noon, o si mao ata,hold firmly sa principles ang susi sa lahat. totoong buhay na yung mga papel na ginampanan natin sa sining posas. higit pa tayong magpakahusay sa susunod na yugto ng pakikihamok. wag nating hayaang wasakin tayo ng uring itinatakwil natin, lubusin pa natin ang pagtatakwil, papel natin lahat yan.
mas lalo kong nakikilala ang sarili ko sa gawain. kung hanggang saan ko sa isang panahon at paano ito hihigitan upang malubos. sabi mo nga, sama-sama, damay-damay na tayo dito. malaki yung bahagi ng bawat isa sa atin sa kinalalagyan natin ngayon. sa pamamagitan ng ed, pulong-sitcom, informal talks na seryoso. marami tayong natutunan sa isa't-isa na nagbigay tanglaw at lakas ng loob upang sumuong tayo sa ganitong buhay. wala akong masabi, salamat ng marami! kaya jackpot ako, nakasama ko kayo, at kayo rin jackpot!
bawi na lang ako sa susunod, magkikita pa tayo! hindi maaaring hindi pwede dahil may panahon naman para dyan. nga lang, hindi natin alam kung kailan. basta wag mainip. gawin mo sulyap ka lang sa bahaging norte (hindi relatibo ang n-e-w-s, paalala ko lang) tumuntong ka sa pinakamataas na bahagi at kumaway, siguraduhin mo lang na hindi ka natatakpan ng talahib o kung anumang nilikha dyan. makikita mo ako, kumakaway din sa iyo...
miss ka talaga namin, kitakita kami, kasama si poch na ang kulit-kulit na. tawa ng tawa pagkagising! pagtulog, e di pikit! hehe. tamo, ganon yata talaga, pana-panahon, nagkakataong nandoon sia sa malapit kaya nagharap-harap, kamustahan, kainan, at konti-konting inuman lang...
bueno, dito na lang muna ako, kasama. mag-iingat ka parati dyan. kumain kung meron. wag pabayaan ang kalusugan, bukod sa prinsipyo mahalagang armas din ito sa gawain natin. at higit sa lahat, parati mong tatandaan, mahal na mahal ka namin.
mabuhay ka at sulong sa tagumpay!
jan frank vincent

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home