11.05.2005

letters from the past, first of a series

it had been a long weekend, indeed! its a weekend of bridging the past and the present. in a nostalgic mood, i took out old letters smelled of combined dust, mold and rust from a built-in cabinet in what is now my nanay’s room.

it used to be my room. a sanctuary whenever i want some peace of mind away from the everyday contradictions of the life of a full-time organizer in the youth and students movement. a place for hibernation whenever i want to discover my creative vibes. above all, it was my escape grounds whenever i want to feel the few remaining luxuries of bourgeois life- a place to call your own, my private property – my room.

eventually, i also have to give it up when i went to mindanao…but that’s another story.

so, in nanay’s room, i salvaged what remains of my silahis days. of my mafioso adventure where ‘we’ll make you an offer you can’t refuse’ mode of philosophy is governing, unofficially though. it was those times of thirst and hunger, literally and figuratively. a commitment of life and death consigned voluntarily. a vow for sacrifice accepted from the determination to end all sacrifices in the world dominated by the ruling class. it was the period of ‘first times’: you’ll learn your class origin; was challenged to hate it and to clinch the liberating class of the proletariat; and then you’ll find yourself in a permanent dilemma of holding on or letting go…

it is in this situation that these letters were written…

awit,

oo, lilisan ako. hindi para talikuran ang salamin at balikan ang lumang bahay.
minsan, nagbalik ako…binuksan ang mga baul ng mga tala-aklatan…ang mga piping saksi sa mga dapat at sana ng burgis kong katauhan.
oo, lumisan na ako para sa ilang buwang paghalaw ng mga bagong karanasan…oo lumisan ako sa gitna ng maraming alinlangan at pag-aalaga ng maraming pero.
oo, limisan ako…di tiyak kung may pag-asam pa ring bumalik habang may bumabanaag-banaag na ilaw pa sa daraanan. pero may nagtutulak sa akin na bumalik upang tuluyang pundihin ang mga ilaw sa poste. ayoko nang makita ang mga ilaw. nasisilaw na ako sa kanila. pero hindi na nila ako kayang bigyan ng liwanag. hindi na nila kayang gabayan ang aking paghakbang.
…tumawid ako. mas malayo. mas malalim ang lubak. bumabaon na ang paa ko sa mga putik, pilit kong inaahon, naghahanap ng mas matatag ng mga gulod. subalit maraming putik ang naiiwan sa paa ko. …hindi ko matiyak kung gusto ko pang alisin ang putik. kumakapit sila kahit nahugasan ko na’y mayroon at mayroong naiiwan sa talampakan at sa gilid ng binti.
hindi ko tiyak kung huhugasan ko pa. tutuloy ba ako sa pagtawid? hanggang saan ko kaya kayang ilublob ang paa sa putikan? hanggang saan ko kaya kayang putikan ang sarili ko?
maraming tanong.
maraming agam-agam
pinapatay ako ng mga ala-ala.
magpakatatag ka kasama.

Ley-ann

ps
i terribly miss you. sana magkita tayo sa pasko. grow up! be the person that you are now. stop lingering on things 'that could have been' and 'could be'. you…now…is…you…acceptance of it is the only way to face reality. take care. gampanan ang gawaing iniatas. ingat lagi.


***********************************************************************************
awit,
alam ko may problema. hindi na kailangang ipaliwanag ng mga salita ang biglaang pag-eempake at mga lumilipad sa hanging pasaring hinggil sa buhay na tinatahak natin.
panahon na naman ba ng pag-uwi? akala ko ba, sisilip na lang tayo, pero hindi na uuwi? humihiyaw ang malupit na reyalidad sa kahabaan ng aurora avenue. nagpapatunay sa pangangailangang isulong ang demokratikong rebolusyon ng bayan.
alam ko...hindi ka uuwi. kung may rpoblema maaari namang pag-usapan. mahirap ang basta umuwi at iniipon ang reserbasyon. nanggaling na ako dyan at nagsayaw na kami ni ely ng huling el bimbo. baka kailangan mo lang ng 2 o 3 araw na pahinga. usap tayo. tawag ka lang sa opis. dial a comrade.
cielo
***************************************************************************************************************
for cyl, to let you know, i sincerely understand what you're going through right now...
july 5, 1995
awit,
...lumalalim na ang gabi. ilang minuto na lang umaga na...hatinggabi na nga eh...gusto ko ng umuwi...di ba ikaw rin...seryoso ka ba? hindi ko na minsan matantya ang seryoso at biro sa ating dalawa. lalong dumidilim sa labas. natatakot na akong lumabas. pero kung hindi ako uuwi, lalong didilim, baka hindi ako makabalik...ang labo-labo na talaga...natatakot na ako. wala na ang dating ilaw sa poste na maaaring gumabay sa masalmuot na mga daan...malamlam na rin ang ilaw sa poste. ilang panahon pa at tiyak na ang pagkatigok nito...ayokong abutin nito. gusto kong maglakad pabalik habang may natitirang liwanag sa poste...baka sakaling pagbalik...pag-uwi...makita ko ang malaking bahay, baka doon...baka sakali...mabalik ako sa ulirat...sa pagharap sa kahubdan ng sarili ko...doon...at doon muli akong magtatanong...mag-iisip...magninilay sa maraming bagay...sa mga letseng ismo...sa mga ibagsak...sa mga wakasan...sa mlkmz...sa...ang dami! sa pagharap sa bukas...sa pagtanggap sa kahapon...sa anong gagawin ko ngayon??? paano nga ba gumising ng hindi napapagod...ng hindi masakit ang tagiliran ng katawan...ng sigurado ang patutunguhan... o, pano, pangatawanan na lang ito...napasubo na eh. loko ba ito o seryoso na ito. ang lalim na ng balon na nalundagan natin. baka malagot ang lubid...baka wala ng humila pabalik...PAANO NA???? uuwi na ba ako?????????????????????????? baka lalong dumilim, baka di ako makabalik???bakit uuwi pa kung babalik din? ang labo-labo na ng ilaw sa poste. ganonpaman tumatangan ako sa kakauntng ilaw/liwanag na naibigay nito. uuwi ako?? sasama ka?? hwag na, hintayin mo na lamang ako babalik naman agad ako eh. pagbalik ko mas matatag na ako. iilawan ko ang mga bombilyang natigok na sa mga poste...o dili kaya hihintayin ko ang pagbubukang liwayway para sa mas maliwanag at maaliwalas ang dadaanan ko. madilim na kasi...ayokong matulog, ayoko namang dumiretso sa paglakad baka matipalok ako o mahulog sa bangin, maui pang bumalik na habang may lamlam pang natitira sa bombilya, para sigurado pang sa pag-uwi mui akong makakabalik. hintayin mo ak ah... cielo

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home