may mahika ang bilog na bwan...

napamahal na sa akin ang bwan...
sa maraming malulungkot na gabing dumaan sa aking buhay, hindi iilang ulit na pinasaya ako ng kanyang maliwanag na kinang sa kalangitan. anuman ang kanyang hugis, hindi sya pumapalyang magbahagi ng positibong damdamin sa akin, nagpapawi ng lumbay...
" swerte ang bilog na bwan," ang sabi mo, isang gabing naglalakad tayo sa isang masukal na kalsada ng kamaynilaan. tiningala ko ang langit, at sa isang sulok nga nito ay ang bilog na bwan na bagaman kinukubabawan ng ulap ay buong pagmamalaking sumusilay sa kalawakan. nakangiti sya sa akin, kasing tamis ng iyong ngiti nang gabing iyon...
tama ang lola, may mga taong nababaliw kapag sumasapit ang bilog na bwan...nang gabing iyon, sumambulat ang aking katinuan...naglabasan ang lahat ng mga mambabarang, mga engkatanto, engkantada...ang mga mangkukulam na naghahalakhakan. nilapitan ako ng isa at binulungan -
napapamahal na ba sya sayo?
napaiyak ako't napabungisngis bilang kasagutan...at salamat sa bilog na bwan, sinabayan ako sa aking kabaliwan.

2 Comments:
sumusuntok sa bwan...katulad ko rin syang mangingibig...
sadyang mahiwaga ang bilog na buwan
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home