error is often the precursor of what is correct
mao
pero, bakit paulit-ulit, nagkakamali ako, paulit-ulit nasasadlak sa balon ng kadiliman, at hindi ko makita ang butas ng kawastuhan.
ang hirap kumawala sa pyudal na kulturang humubog at niyakap ng aking pagkatao. ang hirap lubusin ng kalayaan. ang hirap magkubli sa mga matatalas na pagsusuri, sapagkat sa likod nito paulit-ulit, mali ako, paulit-ulit sinasabihan ko ang sarili ko, duwag ako.
tama si mao, at may panahon pa upang magwasto. hindi ito ang panahon ng pagsuko. sa gitna ng lumalalang panunupil ng rehimeng Arroyo, mas matatag na dapat panindigan ang panawagang MAKIBAKA, H'WAG MATAKOT!
hindi ko rin dapat supilin ang aking puso, kasabay ng panawagang ito, MAKIBAKA H'WAG MATAKOT! itutuloy ko ang laban! Palalayain ko ang aking sarili. Mamahalin kita ng lubusan at sisiguraduhin kong mararamdaman mo ang pagmamahal na iyan!
TULOY ANG LABAN!
