3.14.2006

"every child is special, you'll wonder where ordinary people like us came from..."

linya ng bidang babae sa pelikulang code 46.
totoo sya dyan! kahit ako, nung bata ako, ispesyal din daw ako kwento ng mga utol ko. kaya pag nagkukuwento sila, bakas na bakas ang panghihinayang. yun tipong hindi man nila sabihin ay mararamdaman mong gusto nilang itanong, bakit ka kaya lumaki ng ganyan?

noong 2 years old daw ako, itinayo ako ng nanay sa mga garapon ng paninda nya (panginoong may sari-sari store ang nanay ko noon na nakapwesto sa stratehikong lugar, sa may gate ng palengke, kaya tambayan ng mga manginginom, lasenggo, mananaya at manunugal.) at nun ngang araw na iyon habang may grand alumni homecoming ang mga lumpen sa harapan ng aming tindahan, naisipan ng nanay kong ipagmahili ang ikasampu nyang anak. at idineklara sa lahat ng lumpeng kaharap nya, "magiging Miss Philippines ang bunso kong ito!" palakpakan naman daw ang mga lango sa ginebrang tinda ng nanay ko ang mga tao. ang kuya, hindi pa nasiyahan, ipinakita pa sa akin ang litratong magpapatunay na naganap ang deklarasyon ng aking kinabukasan.

come to think of it, natupad naman ang pangarap na un ng nanay ko, miss philippines naman ako ngayon...isang aktibistang pinopoblema ang hirap at kinabukasan ng bansang ito!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home