12.11.2005

walang pamagat

tilamsik ng putik
sa duguan mong paa
kirot ng sakit
sa sugat ng pagsasamantala
hinuhukay na libingan
ng iilang gahamang
nabubuhay sa
sementetryong putikan
bubungkalin ang lupang
kalansay ang laman
masangsang na amoy
ng pagdarahop
kasakiman
mangingibabaw sa
sangkatauhang
gigising sa
tulog na kamulatan
lupa ng kabuhayan
larangan ng mga labanan
babangon ang kasaysayan
sa bago at mas maigting
na tipo ng digmaan
tilamsik ng dugo
sa sugatan mong paa
busilak na tagumpay
sa mahal mong ina

3 Comments:

Anonymous Anonymous said...

hello! remember me?
ako yung humingi sayo ng lyrics ng awit ng petty B ...nasa stokwa site pa ko noon :) wala lang naisip kong pumasyal at nakita ko tong entry mo na to :) ...may isa rin akong entry na walang pamagat ...sanaysay naman siya kwento ko tungkol sa lola ko :)

medyo nagusuthan ko yung akda mo pwede ko bang mai-repost sa blog ko? kung pwede lang :)

thanks

2:05 PM  
Blogger lifeisafullmoon said...

okay lang po. no problem, basta makatulong po para mas maraming makabasa. salamat.

12:51 PM  
Anonymous Anonymous said...

salamat po :)
di ka ata nag uupdate
link kita :)

2:30 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home