walang pamagat
tilamsik ng putik
sa duguan mong paa
kirot ng sakit
sa sugat ng pagsasamantala
hinuhukay na libingan
ng iilang gahamang
nabubuhay sa
sementetryong putikan
bubungkalin ang lupang
kalansay ang laman
masangsang na amoy
ng pagdarahop
kasakiman
mangingibabaw sa
sangkatauhang
gigising sa
tulog na kamulatan
lupa ng kabuhayan
larangan ng mga labanan
babangon ang kasaysayan
sa bago at mas maigting
na tipo ng digmaan
tilamsik ng dugo
sa sugatan mong paa
busilak na tagumpay
sa mahal mong ina
