11.25.2005

masaker!

ang alam ko, pag tinawag na LABANAN o ENGKWENTRO, may tunggalian, nasa pantay na posisyon ang dalawang panig na naglalaban. kapag sinabing nagkaputukan, ibig sabihin parehong may armas, parehong may baril.

tangama! mamamatay tao na nga ang mga lintik na sundalong ito, bobobohin pa tayo! sinasabi nila na ang nangyari daw sa palo, leyte ay lehitimong labanan sa pagitan ng mga elemento ng 19th IBPA at ng mga rebeldeng NPA. sa katunayan ay nakasamsam pa sila ng baril. tangama nyo! heto ang katotohanan:

8 ang patay sa hanay ng mga magsasaka, kasama dito ang 7-bwang sanggol sa loob ng sinapupunan ng isang inang napatay din!
11 ang sugatan!
6 ang inaresto!
18 pa ang nawawala!

WALA NI ISANG GALOS ANG MGA PUTANGAMANG SUNDALO! pano naging labanan yun? anong laban meron an magsasaka sa M203, granada at matataas na kalibre ng baril na bigla na lang ipinaulan sa mga magsasakang nasa lugar na iyon upang magtanim?

a-21 ng madaling araw, mahigit kumulang na 50 magsasaka mula sa bayan ng palo at ang iba ay taga karatig-bayan ng alang-alang, nagtitipon ang mga magsasaka para sa isang balik-uma activity. ang ibig sabihin ng balik-uma, balik sa sakahan. matagal ding naabandona ang lupang iyon dahil sa tunggalian sa pagitan ng nagsasabing nagmamay-ari at sa hanay ng magsasaka. ngunit noong 1996, iginawad ng DAR sa pamamagitan ng CARP ang lupa sa mga magsasaka. maraming beses na hinaharas, tinakot at sinira ang kanilang mga pananim ng mga pribadong goons ng dating may-ari.

lupa ang kabuhayan at buhay ng mga magsasaka. nag-organisa sila ng isang kooperatiba upang ayusin ang laban nila sa lupang iyon. pinagtibay ng DARAB ang desisyon ng DAR, napasamagsasaka ang lupa sa pamamagitan ng CLOA.

at nang umaga ngang yon, naghahanda ang mga magsasaka upang pagyamanin muli ang lupang napabayaan ng matagal na panahon. nag-imbita pa sila ng mga media, lokal na opisyal upang saksihan ang kanilang pagsasalo sa tagumpay. para sa mga magsasaka, isang pyesta, isang pagbubunyi ang itapak ang paa sa putik, ang araruhin ito sapagkat ito ang nagbibigay ng buhay at kinabukasan sa kanila, sa kanilang pamilya at sa buong bansa.

sa mga berdugong sundalo humihiram ng tapang sa baaril, krimen ang maging magsasaka.

sa gubyernong ito, kamatayan ang katapat ng naninindigan para sa karapatan.

sa lipunang ito, may panahon ang katarungan. hindi dito magtatapos, may panahon ng paniningil!




11.23.2005

thoughts for the day

"theory becomes purposeless if it is not connected with revolutionary practice;
practice gropes in the dark if its path is not illuminated by revolutionary theory."
stalin
"marxism and lenninism is a science, and science means honest,
solid knowledge, there is no room for tricks.
let, us then, be honest."
mao
or simply put, honesty is still the best policy!

11.08.2005

dancing with alma

i haven't read a book assiduously for some time now. the last book i read was the book 6 of the infamous harry potter adventure. not having the time is a feeble excuse. i can give up sleeping when i like the book i’m reading. its just that, these days, i can’t focus on reading. i have started skimming some books from the hanging bookshelf in the house but i never get pass chapter 1. i easily loose my interest.
not until i got this book, dancing with cuba, a memoir of the revolution, written by alma guillermoprieto, a mexican writer who volunteered as a dance instructor in cuba in 1970. it’s a personal reflection of the writer's short-stint in cuba.

alma was an apolitical person when she went to cuba. a dancer from new york, alma was seeing the revolution in cuba from the perspective of an outsider. what’s interesting though, is that she finds the revolution as a sincere effort of the cuban people to liberate themselves and that it is inspiring enough, she herself reflects and strives to understand its depth.

in alma’s letter to jorge, her mexican friend, she wrote:

"…what’s turning to be hardest for me is this revolution. or rather, understanding what one must do in order to be a revolutionary. i’m beginning to understand that i’ve been greatly deformed by capitalism before coming here, and i see that what you were saying about the dangers of individualism is true. it takes a great deal of effort for me to stop thinking about myself. the other day for example, i was actually glad, deep down inside, when they told me that because of my cough (which is a lot better now, by the way) i wouldn’t donate blood for the people injured in the earthquake in peru. even though they’re in the most desperate situation imaginable, and we’ve been following it on the news here each day, and even fidel himself went to donate blood. i acted frustrated me not be able to go, and it did, a little bit, but not enough. i understand that this is a serious failing, and that i don’t know how to change. i mean that if i were to transform into a revolutionary like che, i would cease completely to be myself, and i can't help being scared of that."

what i appreciate in the book is the account of her experiences not from an ideological perspective but from a layman’s description. it is not rhetoric nor jargon but an objective presentation oaf what she experienced and what she felt about it.

reading the book is almost like dancing with alma. her description of cuba’s condition during those trying moments made me understand better what mao had said: revolution is not a party, not the first stage, not even after victory. i haven't finished reading the book yet, but so far, i can relate to alma’s dilemma: the desire to fully understand the fundamentals of a revolution and an almost resistance from within of the sacrifices that comes with understanding.

i am the last witness to my body
i feel myself feeling
the cold of marble
and the green
and black
of my thoughts
i am the last witness to my body
(ortiz de montellano)

yes, alma, sometimes, that's also how i feel…

11.07.2005

a poem from bon...(a part of a forlorn past...i'd be willing to rectify...)

hinubog ng iyong lambing, ng aking pag-aalala
at ng rebousyon, naguhit natin ang
damdamin
pinatunayan ng mahigpit nating paghawak
kamay, bago mo hinawakan ang baril
ang pag-ibig
pinatibay ng iyong paghihintay at ng
aking pagsunod sa piling ng magsasaka
ang pagbubuo ng relasyon
ingay ng kuliglig, busina ng sasakyan
ang ating naririnig, himagsikan!
nagwakas na ang lumang bagay nang
masaid ang kinakailanmgan ng relasyon
umuulan kaya doon ngayon?
ngunit kinapos ang pagtutuwid ng
kahinaang tumatak. mungkahing sakramento
ay lason
wala pang sagot sa mga tanong
dumidilim ang sangangdaan
kasama, nandyan ka pa ba?
mali man ang kasagutan
kongkreto man ang daan...
ang paghuhubog, pagpapatunay at pagpapatibay
hanggang sa tagumpay...
maghihintay ka pa ba kasama?

letters from the past, 2nd part

the second batch of letters was stuffed in a crumbled and muddy envelope placed in a bag i haven’t had the time to unpack since i came back from mindanao, almost five years ago. i took the envelope out and started reading the letters i remembered i was advised to burn, but i didn’t.

i can’t burn these letters for they meant more than just memories; these are constant reminders of strength i gained all through the years, these letters are source of strength. more so, their senders…

in that obscure place, i longed for a sense of familiarity...a sense of belongingness, and these letters have never failed to slap me and made me face the harsh realities of the life i choose.

september 8, 1999

awit
minamahal kong kaibigan, kahati sa yosi, sa pagkain, kahati sa laksang mga sakaripisyo, sa masalimuot na landas ng paghuhubog ng sarili, buddy sa gawain, kadugtong ng aming bituka, puso at isipan, kasama sa pagsusulong ng ndr, hayaan mong ihatid ko ang aking mapulang pagpupugay!

kamusta,ang eksplorasyon? marahil pakat ka na ngayon, alam kong lipos ang kagalakan na nararamdaman mo sa bago mong gawain. nasa totoong buhay na tayo, bok! sa tanghalan ng drb, sa bulwagan ng mdb. kagaya dati, sa panahon ng inip, balisa, o ano pa man: relak, take it esy, cool lang, ganyan naman tayo di ba? if symptoms persist consult the collective, the comrades. sabi nga nila, hayaang pandayin tayo nito. dahil dito raw napapanday, nasusubok ang tatag-sa krisis.

ako naman ngayon, maayo, kauban, natutuwa, sa mga kadahilanang:

1. chalenging ang bago kong gawain; 2. maayos na kami ni levi;3. kahit hindi tayo nag-abot nagka-usap tayo;4.reunion natin-absent ka nga lang (hehehe)

bok, marami pa talaga tayong matututuhan na mga aralin ng reb kaya talagang napakasaya. masalimuot din, syempre ang takbo ng pag-alam, tama yung sinabi mo noon, o si mao ata,hold firmly sa principles ang susi sa lahat. totoong buhay na yung mga papel na ginampanan natin sa sining posas. higit pa tayong magpakahusay sa susunod na yugto ng pakikihamok. wag nating hayaang wasakin tayo ng uring itinatakwil natin, lubusin pa natin ang pagtatakwil, papel natin lahat yan.

mas lalo kong nakikilala ang sarili ko sa gawain. kung hanggang saan ko sa isang panahon at paano ito hihigitan upang malubos. sabi mo nga, sama-sama, damay-damay na tayo dito. malaki yung bahagi ng bawat isa sa atin sa kinalalagyan natin ngayon. sa pamamagitan ng ed, pulong-sitcom, informal talks na seryoso. marami tayong natutunan sa isa't-isa na nagbigay tanglaw at lakas ng loob upang sumuong tayo sa ganitong buhay. wala akong masabi, salamat ng marami! kaya jackpot ako, nakasama ko kayo, at kayo rin jackpot!

bawi na lang ako sa susunod, magkikita pa tayo! hindi maaaring hindi pwede dahil may panahon naman para dyan. nga lang, hindi natin alam kung kailan. basta wag mainip. gawin mo sulyap ka lang sa bahaging norte (hindi relatibo ang n-e-w-s, paalala ko lang) tumuntong ka sa pinakamataas na bahagi at kumaway, siguraduhin mo lang na hindi ka natatakpan ng talahib o kung anumang nilikha dyan. makikita mo ako, kumakaway din sa iyo...

miss ka talaga namin, kitakita kami, kasama si poch na ang kulit-kulit na. tawa ng tawa pagkagising! pagtulog, e di pikit! hehe. tamo, ganon yata talaga, pana-panahon, nagkakataong nandoon sia sa malapit kaya nagharap-harap, kamustahan, kainan, at konti-konting inuman lang...

bueno, dito na lang muna ako, kasama. mag-iingat ka parati dyan. kumain kung meron. wag pabayaan ang kalusugan, bukod sa prinsipyo mahalagang armas din ito sa gawain natin. at higit sa lahat, parati mong tatandaan, mahal na mahal ka namin.

mabuhay ka at sulong sa tagumpay!

jan frank vincent

11.05.2005

kabilugan ng buwan buwan ng kabilugan

kabilugan ngayon ng buwan
lalabas ang mga mangkukulam sa gulod
sasayawan ang mga tuod
hahagkan ang mga anino sa dilim
hanggang lukuban ng makapal na itim
na ulap ang liwanag ng buwan
at ang mga halakhak ng diwata
ay lalamunin ng dilim
bubuka ang lupa
lalabas ang mga anito
upang ihudyat ang
lagim ng paniningil
sapagkat ang mga saglit ng araw
ang mga ritwal ng tag-araw
tag-ulan, tag-ani
kabilugan ng buwan
ang syang bumubuo ng
kasaysayan
ng ating panahon.

letters from the past, first of a series

it had been a long weekend, indeed! its a weekend of bridging the past and the present. in a nostalgic mood, i took out old letters smelled of combined dust, mold and rust from a built-in cabinet in what is now my nanay’s room.

it used to be my room. a sanctuary whenever i want some peace of mind away from the everyday contradictions of the life of a full-time organizer in the youth and students movement. a place for hibernation whenever i want to discover my creative vibes. above all, it was my escape grounds whenever i want to feel the few remaining luxuries of bourgeois life- a place to call your own, my private property – my room.

eventually, i also have to give it up when i went to mindanao…but that’s another story.

so, in nanay’s room, i salvaged what remains of my silahis days. of my mafioso adventure where ‘we’ll make you an offer you can’t refuse’ mode of philosophy is governing, unofficially though. it was those times of thirst and hunger, literally and figuratively. a commitment of life and death consigned voluntarily. a vow for sacrifice accepted from the determination to end all sacrifices in the world dominated by the ruling class. it was the period of ‘first times’: you’ll learn your class origin; was challenged to hate it and to clinch the liberating class of the proletariat; and then you’ll find yourself in a permanent dilemma of holding on or letting go…

it is in this situation that these letters were written…

awit,

oo, lilisan ako. hindi para talikuran ang salamin at balikan ang lumang bahay.
minsan, nagbalik ako…binuksan ang mga baul ng mga tala-aklatan…ang mga piping saksi sa mga dapat at sana ng burgis kong katauhan.
oo, lumisan na ako para sa ilang buwang paghalaw ng mga bagong karanasan…oo lumisan ako sa gitna ng maraming alinlangan at pag-aalaga ng maraming pero.
oo, limisan ako…di tiyak kung may pag-asam pa ring bumalik habang may bumabanaag-banaag na ilaw pa sa daraanan. pero may nagtutulak sa akin na bumalik upang tuluyang pundihin ang mga ilaw sa poste. ayoko nang makita ang mga ilaw. nasisilaw na ako sa kanila. pero hindi na nila ako kayang bigyan ng liwanag. hindi na nila kayang gabayan ang aking paghakbang.
…tumawid ako. mas malayo. mas malalim ang lubak. bumabaon na ang paa ko sa mga putik, pilit kong inaahon, naghahanap ng mas matatag ng mga gulod. subalit maraming putik ang naiiwan sa paa ko. …hindi ko matiyak kung gusto ko pang alisin ang putik. kumakapit sila kahit nahugasan ko na’y mayroon at mayroong naiiwan sa talampakan at sa gilid ng binti.
hindi ko tiyak kung huhugasan ko pa. tutuloy ba ako sa pagtawid? hanggang saan ko kaya kayang ilublob ang paa sa putikan? hanggang saan ko kaya kayang putikan ang sarili ko?
maraming tanong.
maraming agam-agam
pinapatay ako ng mga ala-ala.
magpakatatag ka kasama.

Ley-ann

ps
i terribly miss you. sana magkita tayo sa pasko. grow up! be the person that you are now. stop lingering on things 'that could have been' and 'could be'. you…now…is…you…acceptance of it is the only way to face reality. take care. gampanan ang gawaing iniatas. ingat lagi.


***********************************************************************************
awit,
alam ko may problema. hindi na kailangang ipaliwanag ng mga salita ang biglaang pag-eempake at mga lumilipad sa hanging pasaring hinggil sa buhay na tinatahak natin.
panahon na naman ba ng pag-uwi? akala ko ba, sisilip na lang tayo, pero hindi na uuwi? humihiyaw ang malupit na reyalidad sa kahabaan ng aurora avenue. nagpapatunay sa pangangailangang isulong ang demokratikong rebolusyon ng bayan.
alam ko...hindi ka uuwi. kung may rpoblema maaari namang pag-usapan. mahirap ang basta umuwi at iniipon ang reserbasyon. nanggaling na ako dyan at nagsayaw na kami ni ely ng huling el bimbo. baka kailangan mo lang ng 2 o 3 araw na pahinga. usap tayo. tawag ka lang sa opis. dial a comrade.
cielo
***************************************************************************************************************
for cyl, to let you know, i sincerely understand what you're going through right now...
july 5, 1995
awit,
...lumalalim na ang gabi. ilang minuto na lang umaga na...hatinggabi na nga eh...gusto ko ng umuwi...di ba ikaw rin...seryoso ka ba? hindi ko na minsan matantya ang seryoso at biro sa ating dalawa. lalong dumidilim sa labas. natatakot na akong lumabas. pero kung hindi ako uuwi, lalong didilim, baka hindi ako makabalik...ang labo-labo na talaga...natatakot na ako. wala na ang dating ilaw sa poste na maaaring gumabay sa masalmuot na mga daan...malamlam na rin ang ilaw sa poste. ilang panahon pa at tiyak na ang pagkatigok nito...ayokong abutin nito. gusto kong maglakad pabalik habang may natitirang liwanag sa poste...baka sakaling pagbalik...pag-uwi...makita ko ang malaking bahay, baka doon...baka sakali...mabalik ako sa ulirat...sa pagharap sa kahubdan ng sarili ko...doon...at doon muli akong magtatanong...mag-iisip...magninilay sa maraming bagay...sa mga letseng ismo...sa mga ibagsak...sa mga wakasan...sa mlkmz...sa...ang dami! sa pagharap sa bukas...sa pagtanggap sa kahapon...sa anong gagawin ko ngayon??? paano nga ba gumising ng hindi napapagod...ng hindi masakit ang tagiliran ng katawan...ng sigurado ang patutunguhan... o, pano, pangatawanan na lang ito...napasubo na eh. loko ba ito o seryoso na ito. ang lalim na ng balon na nalundagan natin. baka malagot ang lubid...baka wala ng humila pabalik...PAANO NA???? uuwi na ba ako?????????????????????????? baka lalong dumilim, baka di ako makabalik???bakit uuwi pa kung babalik din? ang labo-labo na ng ilaw sa poste. ganonpaman tumatangan ako sa kakauntng ilaw/liwanag na naibigay nito. uuwi ako?? sasama ka?? hwag na, hintayin mo na lamang ako babalik naman agad ako eh. pagbalik ko mas matatag na ako. iilawan ko ang mga bombilyang natigok na sa mga poste...o dili kaya hihintayin ko ang pagbubukang liwayway para sa mas maliwanag at maaliwalas ang dadaanan ko. madilim na kasi...ayokong matulog, ayoko namang dumiretso sa paglakad baka matipalok ako o mahulog sa bangin, maui pang bumalik na habang may lamlam pang natitira sa bombilya, para sigurado pang sa pag-uwi mui akong makakabalik. hintayin mo ak ah... cielo