7.27.2005

if its any consolation, it was not on a full moon...

But somebody else had spoken Snape’s name, quite softly.

“Severus…”

The sound frightened Harry beyond anything he had experienced all evening. For the first time, Dumbledore was pleading.

Snape said nothing, but walked forward and pushed Malfoy roughly out of the way. The three Death Eaters fell back without a word. Even the werewolf seemed cowed.

Snape gazed for a moment at Dumbledore. And there was revulsion and hatred etched in the harsh lines of his face.

“Severus…please…”

A friend told me something like this is about to happen. You have been prepared for this, I told myself. Its not as if it came as a surprise…but I still cried.

And as I go through the last few chapters of you-should-not-ask-how-much book 6, I still can’t believe it. I was expecting, hoping, and yes, even I was surprised, praying that a twist somewhere will change what happened to the headmaster.

I will surely miss his robe; it’s my favorite. I think I am more affected than Harry. I feel the loss. I can’t imagine Hogwarts without its headmaster. I can’t imagine the Order of Phoenix without its leader…I can’t imagine Harry Potter without Albus Dumbledore.

Why should it have to be in the hands of Severus Snape, the man he trusted so much? Dumbledore should know better, shouldn’t he? Worse, Harry was put in a helpless position, feebly watching the grim incident under the invincibility cloak. He could’ve done something.

As I close the book, an old video file of GMA was being played in the news. “I’m sorry”, she said pertaining to her alleged lapse of judgment. Then, I thought, maybe it’s also a case of lapse of judgment on Dumbledore’s part. Even him can make mistakes, this time he committed an unrectifiable error.

Looking at GMA’ s face on the screen, I can only empathize to Dumbledore. His is a world of wizardly and magic after all. A product of imagination and creativity. And GMA’s case? She’s a reality with a wild imagination and creativity in a desperate attempt to get away from the scandals of her own doing.

I can almost hear Dumbledore saying:

It is important to fight, and fight again, and keep fighting for only then could evil be kept at bay, though never quite eradicated…
(wala lang, konsensya lang ako kasi sa gitna ng anti-gma campaign nakuha kong pagpuyatan ng dalawang gabi ang librung ito, kaya kailangan kong iraise at ilink, hehehe.)

7.22.2005

karugtong ng gabi ang bukang-liwayway


nagungulila ako ngayon sa iyong kawalan...walang araw na hindi ko binabalikan ang mga panahong iyon na ating pinagsaluhan...malamig ang gabi, kahit pa bilog ang buwan...di bale, binubuhay ako ng pag-asang ang bawat gabi'y liwanag ang patutunguhan...

7.21.2005

kahit nangako akong walang pulitika...


hindi nakamamanhid
ang karahasan
sa bawat latay ng
katawang sugatan
sa hinagpis ng
pamilyang nasunugan
sa bawat inililibing
na bangkay
kalansay na
nahuhukay
sa bawat luhaang
batang nauulila
sisibol ang
pagbabagong-anyo
ng katahimikan
pinakikislap ng
bilog na buwan
ang isang sulok
ng kadiliman
nagbabaga't
naghuhudyat
ng paglaban.
at sa isang masukal
na hardin
kabayaniha'y ihahasik
katarunga'y igigiit!

7.20.2005

buwang walang ningning

kulimlim ang buwan nang huli ko syang nasilayan,
nagtatago sa maabong ulap.
akala ko'y umuulan
dahil nang tingnan ko,
may tubig ang kanyang kabuuan.
nagulat pa ako nang
nang maramandamang
basa ang aking mga mata.

kulimlim ang buwan
kulimlim ang panahon
malungkot ang buhay...
bagaman batid kong
walang kinalaman ang buwan
sa iyong kasinungalingan!

7.19.2005

bilog ang b'wan nang sya'y lumisan...


hindi nagawang
pawiin ng bilog
na b'wang nagdaan
ang kalungkutan
makulimlim
kung ang matang tumitingin
ay nababalot
ng luha't pait.

maraming hatid
na alaala
ang b'wan
at ang kanyang kabuuan.
hugis na bilog
ang tikas
ang kinang

at nang s'ya
nga'y natitigan
ilang gabi ang nagdaan
may kung
anong malamig
na gunitang
bumalot
sa nangungulilang
damdamin.

bakit ba nakaligtaan
na ang sinag
sa kanyang kabilugan
ay lumilikha
ng mga taong-lobo
nagbabagong-anyo
nanununggab
nandaragit
nandarahas
nananakit
nag-iiwan
ng sugat
ng pilat
puso'ng
duguan?